Mapula.
Maganda.
Pantay.
Mahaba.
Maluwang.
Makulay
Maganda.
Makinis.
Malinis
Mabango
Mapula.
Maganda.
Tulad ng nakikita sa salamin.
Maganda.
Maputi tulad ng burak.
Makinis... ni walang bahid na lusak..
Ang boses mong matinis,
paminsan-minsa'y mababaw,
minsa'y malalim,
ngunit kahit ano pa man,
ito'y kaakit-akit.
Isang tingin mo lang sa salamin,
anumang uri, sino man sila...
lahat nabibighani.
Literatura, Kababalaghan, At Kuwentong Iba Pa
(Sa Isang Sulok) ni Lala P. Matti
Friday, November 19, 2010
Wednesday, November 3, 2010
Wala Sa Nabanggit
Kahalintulad ng isang bagay, Ika'y tao lamang.
Na sinabing minsan ay marupok at may kababawan.
Kababawan na para sa ilan ay mistulang kakatwa,
na likas sa'yo at siyang naging pagkakakilanlan.
Mababaw ang tubig sa dagat ng araw na'to,
na ayon sa kanyang kilos, salita, at damdamin...
ay simbolo mo.
Kahalintulad ng hangin, Ika'y hindi nakikita.
Ni hindi mahawakan. Ha! Sa isang banda,
nagwagi ka! Na hindi man lamang niya natanto,
na ika'y kanyang kinakailangan. Nadarama ngunit parang wala.
Iwinawaglit at ipinagpapatotoong ika'y hindi nakilala.
At kamuhian na animo'y kaaway.
Pinandidirihan.
Binura sa ala-ala at pilit na kinalimutan.
Wala kang ginawang matino.
Hindi ka rin naman naging mabuti.
Ang lahat sa iyo ay pagkukunwari.
Sa kasinungalingan at kababawan man,
ay siya raw taglay ng iyong budhi.
Kaya walang duda ni ayaw ka niyang galangin...
Ayaw sundin ni kilalanin.
Tulad niya, iniiwasan mo siya.
At iniiwasan ka niya.
Paraang... hindi mainam ngunit siyang tanging susi
ng isang hidwaang hindi nararapat pang maganap.
Ang hidwaang iyon ay siyang magiging hudyat,
na bilang kapanalig mo sa dugo (o higit pang maituturing),
na ang damdaming iisa ay ikalat ng pino sa hangin.

Wednesday, September 29, 2010
Tunay Na Tiyanak
Noong bata pa ako, simple lang ang buhay. Bahay, eskuwela at laro. Masaya ang mga batang tulad ko kapag nakakapaglaro pagkatapos ng anim na oras na eskuwela. Minsan nga bawat recess, nakakapaglaro pa rin. At may iba, laro pa rin ang nasa isip kahit nasa klase. Ano ba't ang buhay ay isang malaking laro lang. Tulad ng ginagawa ng bata. Nonsense man pero totoo. Kasi bata.
Tanda ko pa noon, takot akong pumasok sa eskuwela. Kasi nga mula sa pagiging batang-bahay ay kailangan mo mag-aral at makisalamuha sa kahit sinong bata sa school na may iba't ibang ugali at kanya-kanyang kakulitan. Kung ako ang hari ng kakulitan sa bahay, aba... taob ang powers ko sa mga classmate kong makukulit at matitigas ang ulo. May "mas" at "pinaka" makukulit pa pala kaysa akin. Isa pa, bago ako nakapag-public, ay nag-private school muna ako. Noon pa man din ay mahirap na ang buhay. Dadalawa lang kaming anak ng magulang namin. Una si kuya na nasa First Year High School at ako naman sa Grade 4, na kinailangan ng magulang ko na ilipat kami mula sa private to public school bunsod ng nagtataas na matrikula. Sa private kasi halos lahat binabayaran, ang aklat mong gagamitin, ang uniform mo, iba pang accessories na tanging sa school lang daw bibilhin, pati na rin pambayad at pang-meryenda kay Manong Janitor. Kahit sabihin pa na nagta-trabaho ang tatay sa isang opisina na related sa gobyerno, at ang nanay ko nama'y isang Sales Supervisor sa isang kilalang mall, nahirapan pa rin sila sa pagtaguyod ng kabuhayan namin. Bukod kasi sa gastusin sa pag-aaral namin, marami pa silang pinagkaka-abalahang gastusin na bilang bata ay hindi ko ginawang unawin noon. Hindi ko talaga nagustuhan na ilipat ako ng school nila Mama at Papa. At alam ko rin na naging mahirap din kay kuya iyon, pero si kuya kasi ang tipo ng tao na "cowboy" nga kung tawagin. Kahit saan pwede isalpak. Hindi siya maangal. O siguro ay gawa ng pagiging panganay niya kaya naiintindihan niya ng husto ang sitwasyon namin noon. Ako, hindi. Naiintindihan ko ang kahirapan ng buhay pero ang ilipat ng school na iyon ay naging pasakit sa damdamin ko. Siguro nga pasakit para sa akin ang mag-adjust. Noong unang araw ng klase ko sa Grade 4 ay bagong school na. Hindi tulad sa kinagisnang school ko, ang bata sa public ay simple lang manamit. Malilinis din naman pala sila lalo na ang mga batang babae. May iba naman na mababakas ang kahirapan sa damit pa lang, pero nananatiling tahimik at payak. May ibang bata, ang tatay raw ay nasa Saudi o 'di kaya'y anak ng mga Seaman, sila ay kung tawagin sa school ay "maykaya". Maykaya-ng bilhin ang gusto, maykaya-ng pabaguhin ang mood ng teacher mula sa pagsusungit hanggang sa pagbabait-baitan, maykaya-ng ilagak ang nanay bilang Homeroom PTA Officers, at sa ibang bata naman ay maykaya-bangan. Ito rin ang term nila sa mga batang nag-enroll galing private school at may isa pa silang tawag eh... 'ayun, "Dating Mayaman". Kumbaga, dating maykaya at mayaman na galing sa private, pero nauubusan ng pera kaya nag-public. Ang tatak na ito ang dala-dala ko noong unang araw ko sa klase. Alam na alam nila agad sa kilos mo palang at pananamit na galing ka sa private na para sa akin naman ay walang pagkakaiba, maliban lang sa magandang bag ko na may nakalakip na robot. Si Voltron. At ang magandang sapatos ko na Reebok. Napansin ko kasi ang mga ka-klase ko ay walang mga damit na "branded" kung meron man, marahil anak ka ng "Katas ng Saudi" o anak ng Seaman. Anak ng topak naman eh, maganda lang ang sapatos, mayaman na agad. Kadalasan, simple lang ang sapatos ng karamihang estudyante, ang iba pa nga'y naka-tsinelas lang. Kaya para sa kanila'y anak-mayaman ako. Bukod sa bag, mamahaling lapis o ballpen, magaganda at malinis na notebook ay inakala kong ligtas na ako sa kahit anong "sakunang-pampaaralan". Hindi pala. Kahit sa public school, may bully rin. Sila 'yung mga tipo na nakangisi agad sa akin pagpasok pa lang sa klase, mula sa pagpapakila ng guro sa kanila at pati na rin sa pagpili ng mauupuan ko. Siksikan ang silid sa Public. Gayon pa man, nakahanap pa rin ako ng upuan malapit sa bintana. As in, halos nakadikit ka na sa bintana. Kulang na lang patalunin ka. Sa likod ko naman ay ang apat na kaklaseng bully. Na sa tingin ko minamatiyagan na ako pag-upo pa lang. "Humanda ka, Mark..." naibulong ko na lang sa sarili. "Hari nawa'y tulungan ka ni Voltron".
Kung hindi ako umuwing parang papel na puno ng guhit ang polo sa likod, o 'di kaya'y basahan na may floor wax, o 'd kaya'y makailang ulit ng nadapa't bumangon dahil sa tinaling sintas ng sapatos, animo'y daig ko pa si Sharon Cuneta sa Bituing Walang Ningning na nabuhusan ng tubig, kasi ang sa akin ay softdrinks. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas, ay nag-ibang anyo na ako. Kung dati-rati'y malinis at maputi ang polo shirt ko, ngayon tulad na rin ng kulay ng sa classmate ko, kulay posong-kalawang na rin. Kung dati-rati'y may gel pa ako sa buhok, gayon pawis na lamang ang katumbas nito. Dahil lagi akong tinutuksong "pormado" ng mga kaklase. Okay lang din sa akin, ang mahalaga hindi ako maga-guidance office dahil lang pinatulan ko sila. Sabi ni Mama, kapag pumatol ako ay parang tulad ko na rin sila. Aba... hindi ko yata sila ka-level. Isa pa, wala ring mapapala ang lumaban sa kanila. Hindi naman ako pumasok ng paaralan para doon. Iyon lang talagang sobra na akong naiirita at naiinis pero wala naman akong magawa. Kaya tiis lang daw ako hangga't puwede na ulit nila akong ilipat ng school. Pero, in fairness, sa Public masaya rin pala. Kasi sa public puwede magdala ng text o playing cards. Huwag ka lang papahuli. Iyong apat na bully lang naman ang sagabal eh. Akala mo kung sino. Sila 'yong tinutukoy ko na nakaupo sa bandang likuran ng aking silya. Ang isa, si Eric, siya ang pinakamatanda sa kanilang apat at pinakamatanda rin sa classroom namin. Onse anyos na siya, medyo may kaliitan ang katawan ng konti sa karaniwan niyang gulang pero maliksi at matalino sa kalokohan. Siya rin ang tinutukoy na payaso sa klase. Pero hindi siya nakakatuwa para sa akin. At alam ko gayon din siya. Si Gian Carlo Ramirez, Jr., ang may pinakamalaki at matabang katawan naman. Siya ay halos kasing-gulang ko lamang ngunit matipuno ang pangangatawan, maputi at mukhang anak mayaman talaga dahil sa kanyang kutis na medyo mapula. Gian ang tawag sa kanya. Pero sa aming klase nami-misinterpret ang pangalan niya, kaya nakilala siya bilang Giant. Na akmang-akma naman sa kung sino siya talaga. Ang iba pang dalawang bully ay hindi ko masyadong matandaan ang mga pangalan, palibhasa mga supporting roles lang 'to. Hindi sila main character actors sa story ko. Medyo wala pa naman sa kalahatian ng taon ay ayos naman ako sa klase. Ngayon nasasanay na ako sa buhay public. Marami na rin akong kilalang kaklase at okay lang naman pala ang makipaglaro sa kanila. Ayos rin ang mga teachers, iyon lamang sa dinami-dami kasi ng mga bata sa publikong eskuwelahan at nataon ikaw ang maestra, kung medyo mahina-hina ang kalooban mo ay hindi ka tatagal. Sabi nga nila, sa buhay na'to, pakapalan na lang ng mukha. Patibayan ng sikmura. Kaya naiintindihan ko sila. Ang mga bully kong classmate nagsisimula na rin ng pang-aasar sa akin. Kaya naman si Mama todo-todo na ang bilin sa akin na huwag ko raw gawing papel ang kulay puti kong unipormeng polo shirt. Pa'no ko naman kaya susulatan ang sarili kong damit lalo na kung trip mo magsulat sa likod? Ang hirap no'n ha, it takes a lot of talent. Iyon nga, puro sulat ang aking damit sa gawing likuran dahil sa mga bully na iyon. Dahil ayaw ko ng gulo at hindi rin tama ang makipag-away, ay nagtitiis na lang ako. Hindi naman siguro nila ako papatayin, sabi ko pa minsan. Minsan pinag-drawing kami ni Ma'am ng mga "Set of Animals: Reptiles, Mammals & Amphibians" Siyempre, kapag bata participative ka sa mga ganitong activities sa loob ng klase. Masarap mag-drawing. Turtle o Pagong ang naisip kong i-drawing dahil para sa akin ay madali lang gawin. Tinawag ako ng aking guro upang idikit sa harapan ang aking ginuhit, at i-explain daw kung paano siya ika-classify. Nang tumayo ako ng silya, narinig ko ang apat na bahagyang nagtawanan. Nilingon ko sila ngunit sabay-sabay naman nagsipako ang paningin sa ibang banda at iyong isa naman ay yumuko na lang. Nagtataka ako kung bakit, habang naglalakad ako palapit sa pisara, nagtawanan ang buong klase. "Class, who wrote this on Mark?", sabi ng guro ko. May nakasulat sa likod ko na "I am Mankey" (Putcha naman mali pa 'yong spelling, buti na lang) kadikit noon ay iginuhit nilang unggoy na kamukha ko raw. Pulang-pula ako noon at hindi alam ang gagawin. Gusto ko silang suntukin pero hindi naman pupuwede. Kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko para bugbugin sila sa panaginip. Ngunit inakala naman ng aking mga classmate na umiiyak ako. Ay, umiiyak! Hala, umiiyak si classmate oh! Sabi nila. Buti na lang hindi tumigil si Ma'am sa kung sino ang gumawa noon sa akin. Kaya ang parusa sa apat: Face the wall habang na nakahawak ang dalawang kamay sa ulo. Sa isang iglap, kahit paano'y nabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin. Ngunit isa lamang iyon sa marami at paulit-ulit na kalokohan na naranasan ko mula sa kanila.
Isang araw, nang bumaba ako ng tricycle ay nakita ko si Eric na tumatakbo palabas sa eskinita dala ang backpack niya. Balisa siya at talagang gusto magtago. Nakita niya ang malaking pipelines ng NAWASA noon, iyon bang mga malalaking bilog na bato. Doon siya nagtago. Nagmasid ako at sandaling napaisip kung bakit kinailangan niyang pumunta roon. Maya-maya'y lumabas ang isang mama, malaking lalaki at malaki rin ang tiyan. May hawak siyang sinturon at pawisan na sa paghahanap. Ang mukha ng lalaking iyon ay kahawig ni Eric. Tama, tatay niya nga iyon. Ngunit bakit? At hanggang kalsada ba naman ay habulin ka pa ng palo? Tumabi ako, kunwa'y may balak bumili sa fish balls ni manong na noo'y nasa gawing kanan ko. Tinanong ng lalaki si Manong Fish Balls, pero dahil abala sa kanyang kalan ang matanda ay wala siyang napala rito. Pagkatapos ay sa akin naman nagtanong. Mahinahon siya sa akin makipag-usap, "Hijo, may nakita ka bang bata rito na tumatakbo? Kasing-edad mo siya." Nang mga sandaling iyon, gustung-gusto ng konsensiya ko na ituro kung saan siya nagtatago. Nang sa wakas ay kahit papaano'y makaganti ako. Ngunit sa isang sulok naman ng aking isip, naaawa ako kay Eric. Paano na lang kung tadtarin siya ng kanyang ama sa palo? Masakit iyon. Isa pa, kung sa akin man mangyari ang paluin ay hindi ako makakatagal. Sa aking pananaw, hindi sinturon ang kasagutan sa pagdidisiplina sa anak. Kahit bata pa ako, alam kong hindi iyon makabubuti. "Ano po? Ah... hindi ko pa napansin Manong, p-pasensya... n-na po kayo..." kinakabhang tugon ko. Nagmatyag-matyag pa rin ang lalaki, pumasok do'n sa bakanteng lote na kinaroonan ng mga iba pang batong pipelines, isa sa mga iyon, ay naroon si Eric. Sinundan ko ng tingin ang lalaki, mukhang pagod na siya at sa tindi ng init ng araw ng katanghalian na iyon ay naisip na lamang bumalik sa bahay niya. Sinusundan ko pa rin ng siya ng tingin habang papalayo at papasok do'n sa eskinita, samantalang si Eric naman ay nakita ako sa bandang sulok. Nang lalapit na siya sa akin, ay bahagya akong lumayo at nagkunwaring sumilip sa kariton ni Manong Fish Balls. Pero lumapit pa rin siya. At nagpasalamat sa akin. "Mark, salamat ha." Mabait ang tono niyang iyon. At mukhang nagsasabi siya ng totoo. "Lagi kasi akong pinapalo ng Itay kapag hindi ko siya ipinaguutang ng sigarilyo sa tindahan, eh.", mahina niyang bulong. Nakikinig lamang ako. Ngunit nang mga sandaling iyon ay mababakas sa mukha niya ang konting kahihiyan na natitira sa kanya at siyempre ang takot na umuwi sa bahay. "Paano iyan? Hindi ka uuwi?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, bagkus ay napangiti na lamang sa akin at sinabing, "Huwag kang mag-alala, okay na ako. Salamat talaga. Hayaan mo babawi rin ako sa'yo." bigla na lamang siyang tumakbo papalayo papunta sa kanto. Wala siyang balak umuwi sa tingin ko marahil ang ibig sabihin noon ay hindi siya papasok. Nakaramdam ako ng saglit na awa sa kanya. Maaaring sa pamamagitan ng pagiging bully sa school ay maramdaman niya kahit paano ang maging malakas at tinatawag na "may ibubuga". Nakakalungkot isipin na noong kapanahunan ko, ang pamamalo ay itinuturing na isang bahagi ng pagdidisiplina sa mga bata. Kaya ang resulta: Mga batang galit sa mundo. Mga batang may kakayahang manakit din sa kapwa bata. Tulad ni Eric. Pero ganon talaga ang buhay. Gustuhin ko mang tumulong, wala rin akong karapatan na panghimasukan ang buhay ng iba. Ang mahalaga nabawasan ako ng isang mang-aaway. Dahil matapos mangyari 'yon, ay bahagyang bumait si Eric sa akin. Siyempre, hindi siya puwede magpahalata na okay na ako sa kanya, kasi ang hari-harian sa gang nila ang masusunod. At dahil doon, naging espiya ko siya sa lahat ng balakin ng grupo nila patungkol sa akin. Humanda raw ako, sabi ni Eric. May patibong daw na naghihintay sa akin. Akalain mo... akala ko sa action movies lang iyon nagaganap. Sa akin din pala. Aba... artista na pala ako ngayon.
Malapit na sumapit ang Pasko. Malamig na tuwing umaga bago ako maligo na siyang kinatatamaran namin ni kuya. Masarap matulog. Pero hindi ang pumasok sa school na puno ng bully. Paulit-ulit tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Eric na "patibong" ni Giant. Sa dinami-dami naman kasi ng mamalasin ay ako pa. Kung bakit naman ako pa. Maaga akong nakapasok isang umaga ng Nobyembre sa school. Tulad ng malamig na panahon, malamig din ang emosyon sa loob ng silid-paaralan namin. Paano'y magpapasko na, at may ilan-ilan na rin na bahagyang uma-absent o biglang naglalaho pero hindi naman declared na drop. Wala lang, sumasabay lang sa agos ng season. Kaya naman ang mga maestra ay nakaisip ng gimik para makumpleto ang klase bago sumapit ang Christmas Party. Magkakaroon daw kami ng group project na ipapasa isang linggo bago sumapit ang party. Ang tema: Pipili kami ng isang paksa na tutukoy sa kababalaghan o mga bagay na hindi kapani-paniwala. At ang mapipiling paksa ay gagamitin bilang isang dula-dulaan na gaganapin sa mismong araw ng Christmas Party. Maganda ang tema para sa akin, ngunit ang mga kaklase ko ay namangha lang sa una ngunit balik sa pagiging malungkot ng malamang kailangan rin namin gumugol ng konting pera. Isa pa, group project ito, na ibig sabihin ay may lider. Kaya kung may lider, ay mayron din silang puwedeng asahan. "Kaya na ng lider iyan...", ika nga nila. Sari-saring mga mga kuwento, tema, at istilo ng paggawa ang aking narinig. May nagsabing ikukuwento nya ang tungkol sa Duwende. May isa naman, kasaysayan naman ng Kapre. Tikbalang. Tiktik. Engkantada. White Lady. Iyon ang karaniwan nilang naisip. Ngunit isa na lang ang kulang at kumpleto-rekado na. Nakaligtaan nilang mabanggit sa paksa ang tungkol sa mga Tiyanak. At sa pagkakataong iyon, nakapagpasya na ako ng kung ano ang magandang gawin. Ginurupo kami ng aming guro sa lima. Base sa upuan, hinati-hati niya kami sa lima. Sa kamalas-malasan na naman, nabilang ako sa grupong nasa gawing likuran ko, ang mga bully. Kaya noo'y wala akong nagawa sa sinapit kong kapaitan. Tila masaya pa sila at walang pakialam, ni anumang tulong upang magbigay ng paksa. Ngunit kinailangan ko pa rin silang pakisamahan, dahil kung hindi'y maapektuhan naman ang aking sariling grades. Sinabi ko sa kanila na magandang maging ideya kung ang gagamitin naming paksa ay tungkol sa mga "Tiyanak". Ngunit wala lang sa isip nila, parang nakikipag-usap ako sa hangin. Kinabukasan, ibang drama ang napala ko. Hindi ko alam kung drama o totoo pero ang mahalaga, na kahit pa'no'y nagpasaya sa akin, nagsorry si Giant sa lahat ng mga ginawa niya sa akin! Pati na rin 'yong dalawang extrang bully. Walang kibo si Eric. Ngunit para sa mga bata, mababaw man, ay kaya namang matanggap agad-agad ang kahit anong uri ng pagpapatawad. Nang gano'n lang kabilis. Tinanong ko si Eric kung ano'ng nangyari, kibit-balikat lang ang kanyang tugon. Sabi niya, malamang ay napaisip-isip sila pagkatapos niyang payuhan na kung maaari huwag ng maging malupit sa mga kaklase (partikular na sa akin). Ay siyang tuwa ko naman. Sa wakas, kung nananaginip man ako, ay nagbago rin sila ng pakikitungo. Siyempre ang unang araw ng pagpapatawad ay hindi sapat para makagaanan sila ng loob. Ngunit kinailangan ko pa rin silang kausapin tungkol sa nalalapit naming project. Sinabi ni Giant na magandang ideya ang naisip ko tungkol sa mga Tiyanak. Tutulungan daw nila akong makapag-research tungkol sa mga iyon. Unang araw ng unang linggo ng Disyembre, may mga nakalap na akong mga detalye para sa aming proyekto. Halos lahat na palabas patungkol sa tiyanak ay pinanood ko. Mga larawan sa library na sabihin na natin na kahit kathang-isip lang ay malaki na rin ang maitutulong para makabusog ng imahinasyon. Dinagdagan ko na isang maliit na kuwento. Sa tingin ko sapat na iyon. Ngunit nang mabalitaan ko na talagang sineryoso ng ibang mga grupo ang project (palibhasa'y mga bata, talagang mahilig sa mga nakakatakot at kababalaghang paksa), ay kinabhan ako ng todo. Pakiramdam ko tuloy hindi ako hahakot ng magandang grades para sa naisip kong project. Naisip kong palitan ito. Ngunit pinagdiinan ni Eric, na hindi porke't inakala kong hindi kumpleto ay mawawalan na ako ng gana. Tutal naman daw ay marami-rami na ang nahanap naming detalye, okay lang daw sa kanila kahit simple lang. Wala akong naging problema ng mga sumunod na araw, dahil himala ma'y tinulungan ako ng aking mga ka-grupo.
Napili ang paksa namin tungkol sa mga Tiyanak! Kinuha ni Ma'am ang kopya ng mga detalye na na-research namin. Sinabi niya, na malaki ang grades namin at magkakaroon pa raw kami ng exemption sa Fourth Grading Exam namin kung mas mapapaganda namin ang presentasyon nito sa Christmas Party. Kaya nagsuhestiyon si Giant na maaari kaming magresearch sa may kakayuhan malapit doon sa may park. Inayunan ng buong grupo palibhasa'y first time sa kanila ang makilala ng guro sa gano'ng larangan ng pag-aaral kaya naiintindihan ko na gano'n na lamang ang kanilang tuwa. May mga malalaking puno sa parke na iyon na pinangangalagaan ng lokal na gobyerno at iba pang sektor. Ngunit nababalitang may mga hindi kapani-paniwalang nilalang ang makikita ro'n sa pagsapit ng dilim. Kaya nga mismong mga tricycle na nagdaraan malapit do'n ay bumubusina sa gabi o 'di kaya nama'y hindi na dumadaan ang iba pag kagat ng takip-silim. Kamakailan lang kasi, napabalitang may tiyanak diumano ang gumagala sa kakayuhan. Nasaksihan raw ito mismo ng isang balut vendor, na napadaan sa lugar na iyon. Sa takot ko, ay tumanggi akong sumama. Ngunit nanindigan si Eric na walang masama kung susubukan ng grupo ang pumunta roon isa pa makakatulong iyon ng malaki sa aming project at naniniwala ako roon. Pero hindi ako matapang na tao o adbenturero kaya. Sinabi ng grupo, na hindi kami magpapagabi at alas-kuwatro lang ang palugit na oras kaya pumayag na rin akong sumama. Dala ko ang isang camera na kinuha ko sa cabinet ni Mama. Ala una nang magpasya kaming pumunta roon. Palibhasa'y pang-umaga ang pasok namin, kaya may oras pa kami sa hapon na mag-research. Maaliwalas ang panahon at maganda ang naging desisyon ng grupo ang pumunta roon. Maganda at malalaki ang puno. Maganda ang paligid at malilim kaya hindi naging sagabal sa amin ang pagreresearch. Maraming iba't ibang uri ng puno ang naroon. Dahil nga sa mga bata kami, ay sadyang malilikot. Punta rito, punta roon ang tema. Takbo rito, takbo roon. Masyado kaming naaaliw sa kagandahan ng paligid. Hanggang sa nakarating ako sa may dalawang punong malaki malapit sa isang maliit na sapa. Inaamin ko na medyo namangha akong malaman na may sapa pala sa siyudad. Kaya nagpunta ako roon. Maganda roon. Tubig lang ang maririnig mo. Dahil sa lilim at hindi gaanong kasikatan ng araw, ay hindi ko napansin ang oras. Alas-singko y medya na pala! Madali akong lumabas sa may bandang sulok na iyon para hanapin ang aking mga ka-grupo. Sinigaw isa-isa ang mga pangalan nila, ngunit wala akong marinig ni isang tugon o sigaw kung nasaan sila naroon. Kumakagat na ang dilim. Inisip kong umalis na lang agad ngunit paano naman ang mga kasamahan ko. Malamang tulad ko ay nalibang din sila sa paglalaro sa iba pang sulok. Kaya nagpasya akong hanapin muna sa sila dahil may kaunti pa namang oras. Isinigaw ko isa-isa ang mga pangalan nila ngunit wala pa rin. Natakot na ako kaya nagpasya akong umuwi. Dahil sa malilim sa lugar na iyon at takip-silim ay naging mahirap sa akin ang makalabas. Isa pa, natatakot na rin ako. Dumidilim ang paligid at natatakot na ako! Mama! Papa! Natatakot na ako! Voltron!!! Hindi ko na matandaan pa ang daan pauwi dahil madilim na'y nalilito na rin ako. Nagkakahalu-halo na sa isip ko ang takot, galit, at pag-aalalang makalabas ng ligtas. Naglalakad-lakad ako kahit madilim at kung anu-ano na rin ang pumasok sa isipan ay sige lang ako ng hanap ng daan patungo sa labas. Nang may biglang ibang huni ang narinig ko, ito ay hindi ungol ng aso, hindi rin ito huni lang ng isang kakaibang ibon, ito'y isang iyak ng sanggol! Tama may batang umiiyak doon. At sabay sumagi sa isip ko ang Tiyanak. Ayon sa kuwento, ang Tiyanak ay mga bata o sanggol na pumanaw nang wala sa oras at hindi nabinyagan. Pag umatake raw ito, sila'y nag-aanyong mga maaamong sanggol at kapag ika'y nalinlang ay saka ka nila kakainin ng buhay! At dahil patuloy ang pag-iyak ng sanggol na iyon ay kumaripas ako ng takbo kahit madilim at hindi ko na masyadong makita. "Tiyanak! Tiyanak! Tulungan niyo ako! May tiyanak!" Sigaw ko habang dumadagundong sa takot ang aking dibdib. Sa aking matuling pagtakbo ay bigla akong nadapa at nasusubsob ang katawan sa lupa. Umiiyak ako at natatakot ni hindi ko man lang magawang bumangon. May sugat na rin ako sa tuhod at sa kanang siko gawa ng pagkakadapang iyon. Pinilit ko ang katawan kong iangat habang nanginginig sa takot at papalapit ang iyak ng sanggol. Nang biglang may kung anong pigura ang naaninag ko sa bandang malayo. Isang lalaki... malamang kasamahan iyon ng tiyanak! Kakainin na nila ako! Umiyak ako ng umiyak ng malakas sa pag-aakalang katapusan ko na. Ngunit... "Bata, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ng lalaking iyon. "Huwag mo akong kakainin", tugon ko habang umiiyak. "Natural hindi kita kakainin, halika nga rito. Diyos ko mahabaging bata ito oh." Ang inaakala kong tatay ng tiyanak ay isang matandang lalaking katiwala roon at nagbabantay sa kakayuhan. Tinulungan niya akong bumangon at lumabas sa pook na iyon. "Ano bang ginagawa mo rito, hijo?" tanong niya. "May tiyanak po!" Sabi ko sa kanya. Nagtataka man ang matanda ay pinagpapasensiyahan pa rin niya ang kakulitan ko. "May narinig po akong sanggol na umiiyak, tiyanak po iyon." dagdag ko pa. Tumawa ng malakas ang matandang lalaki sa huli kong tinuran. Nagtataka man ako ay palinga-linga pa rin ako sa paligid. "Hindi iyon tiyanak. Iyon ang apo ko. Dito lang sa maliit na barong-barong kami nakatira. Nagbabantay sa lugar na ito dahil iyon ang aking trabaho. Narinig namin kanina na may kumakaluskos sa bandang gilid kaya pinuntahan namin. Kung narinig mo man ay iyak na isang sanggol kanina iyon ay aking apo." Patuloy sa pagtawa ang matanda. Napansin ko ang isang babaeng bitbit ang isang sanggol. Siya pala ang umiiyak ha. Ginamot ni Tatang ang sugat ko. Sinamahan ako sa tricycle at hinatid ako sa bahay. Bilang tulong, inabutan ko si Tatang nang natitira kong perang pambaon para makapagpasalamat.
Tahimik at tiim-bagang pumasok ako sa klase kinabukasan, nakita ko si Giant, ang dalawang extra, na nakangisi at nang-aasar na pinagtatawanan ako. At pati na rin si Eric! Aha! Ito pala ang patibong na sinasabi nila. Tuwang-tuwa sila sa nangyaring plano nila sa akin. Sige lang... Hindi nila ako tinanong tungkol sa project namin. At bakit pa wala na rin akong ganang maging ka-grupo pa sila. Isa pa todo-todo ng kahihiyan ang inabot ko dahil sa paghahanap ng tiyanak. Ayoko na. Kinausap ko ang guro namin para i-mungkahi ang aking ideya na gumawa ng isang dayorama kesa ang gamitin ang paksang Tiyanak sa dula-dulaan. Isa pa, umaangal ang napiling grupo ni Ma'am para sa dramang iyon. Wala na raw silang oras mag-practice saka malapit na rin ang Christmas Party. Kaya hindi na rin nila maiisip na gawan ito ng script. May point sila. Ngayon... ako naman.
Dumating ang araw ng pagdiriwang, 'pag Christmas Party sa school kung saan-saang sulok ng paaralan makikita ang mga bata. Kahit ang sinabing takdang oras ng pagtitipon ay marami pa rin ang dumarating ng late. Kaya nang dumating ako sa room namin, walang nakapansin ng dayoramang dala-dala ko. Nilagay ko ito sa tabi ng mga pang-exchange gift at tinabi ko rin ang dala kong regalo kaya mapansin man nila ay baka akalain nilang regalo ito ng Teacher. Madalas kasi akong mautusan ng guro ko na magbitbit ng kung anu-ano kaya sana'y silang makita ako na may dalang hindi ko pagmamay-ari. Nang magsimula ang party, inuuna ang maikling awit, inuna rin ang pagsasayaw ng isang grupo ng mga kaklase kong babae, sumunod naman ang isang grupo ng mga lalaki. Nag-palaro si Ma'am kaya lahat tuwang-tuwa kasama na ako roon. At syempre, mawawala ba ang mga pagkain na pinagipunan ng husto, tatlong buwan ang nakakalipas. Pagkatapos kumain ay sumenyas ang aking guro tungkol sa dayorama na na-i-suggest ko. Agad akong tumayo ang lumapit sa lalagyan ng mga regalo at kinuha iyon mula roon. Napatulala naman halos lahat sa mga kaklase ko, maliban sa apat na bully. "Class, ang susunod na ipalalabas natin ay isang dayorama, siya ang nakakuha ng malaking puntos sa project natin last week lang," Paliwanag ng aking guro sa mga classmate ko na nagtataka pa rin kung ano ang laman ng medyo may kalakihang dayorama na dala ko. "Class ito ang Dayorama ng mga Tiyanak...", simula ko. Nakikinig na silang lahat at tutok na tutok. Ipinaliwanag kong maigi ang mga datos tungkol sa aking paksa habang inaalis ang mga naka-harang na papel de hapon sa bawat maipaliwanag ko. Halatang-halata ang pagkamangha ng aking guro sa ipinamalas kong dayorama. Ito ay makulay at punung-puno ng impormasyon. Pati na rin ang mga kaklase ko ay gayon din. Ang simula, mga detalye, at kung anu-ano pa ay nakakabusog sa kanilang kaalaman at mata. Hanggang sa... "Class, may isa pang mga uri ng tiyanak na makikita sa kakahuyan na lingid sa ating kaalaman ay maaari ding makapanakit..." nag-aabang ang aking classmates na tanggalin ang pangalawa sa huling papel de hapon na aking aalisin. Sa mga sandaling iyon, ay naramdaman kong pagpawisan ng malamig at mangatog ang tuhod. Agad kong hinanap ang kinaroroonan ng apat ng bully na noo'y tulad ng ibang mga bata ay hindi maitago ang pagkamangha. "Mukhang nakalimutan na nila" bulong ko sa sarili habang nagpapasakalye bago tanggalin ang huling papel. Ngunit buo na ang aking pasya at sa tingin ko nang mga sandaling iyon, kulang pa ito sa lahat ng mga ginawa nila sa akin. Kaya bigla kong inalis ang papel de hapon at lumantad sa klase ang apat na drawing ng malalaking ulo ng mga bata na may katawang tiyanak. Bawat mukhang nakaguhit ay mga malaking pangalan na nakasulat sa malalaking tinik: GIANT, ERIC, OBET, ARNAIZ (hindi ko tanda ang tunay nyang pangalan, ngunit iyon ang tawag ng karamihan). Malalakas na tawanan at tuksuhan ang narinig sa buong klase ng mga sandaling iyon. Samantalang, ang aking guro ay hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon. Hinanap ng aking paningin ang mukha ng mga kaklase kong bida, si Giant ay hindi nakatitig ng diretso ngunit dama ko ang kanyang mainit na paghihiganti, si Eric nama'y hindi makapaniwala na isinama ko siya sa listahan (ano pa nga ang dapat kung isipin?), si Obet ang unang ekstra ay nakatungo at napakamot sa ulo, at habang si Arnaiz nama'y animo gusto na magpaalam umuwi. Ano pa't gulo nga ang dulot ng aking kabalbalang iyon. Ngunit hindi tulad ng isip kong mapaghiganti, malakas ang tibok ng puso ko at tila mauubusan na ako ng hininga't ramdam na ramdam ko ang lamig ng aking mga pawis. Itinatanong nito kung tama ba ang aking naging desisyon at kung naging masaya naman ako. Ang totoo, hindi ko alam ang sagot. Gawa na rin marahil ng kahihiyang inabot ko at halu-halong emosyon na talagang kapag naisip mong gumanti ay maaalala mo ang lahat. Isa pang bagay, dulot na rin marahil ng bata kong opinyon, ay hanggang doon na lamang ang inabot ng isipan. Tuwang-tuwa ang klase sa ginawa kong iyon, ngunit ang aking gurong si Bb. Lopez (matandang dalaga) ay medyo hindi niya nagustuhan ang huli kaya pinutol niya na lang bigla ang mga kantiyawan ng kaklase ko na isang daang porsiyentong kasiyahan ang mayroon nang mga sandaling iyon. Kinausap ako ng aking guro pati na rin ang apat na bully, para magpaliwanag kung ano talaga ang nangyari sa kakahuyan. Paliwanag. Drama. At pangakuang hindi na gagawin iyon sa isa't isa at vice versa. Ngunit sa puso at isip ko... nakatatak. Sa kabilang banda, nagpapasalamat din ako sa kanila, na dahil sa nangyari'y natutunan kong harapin ang takot sa sarili. Ang takot na ipaglaban kung ano talaga ang gusto mong sabihin. Ang maging matapang sa mga bagay na sa palagay mo'y imposibleng-imposible na hindi mo magagawa o hindi mangyari. Kung may natutunan man ako bilang isang bata, iyon ay ang pakikipagsapalaran sa mundo na kung saan matakot ka man sa maligno o ibang haka-haka ay ayos lang. Kasi bata ka, malaya kang ipahayag ang naisin mo at paunlarin ang kaalaman. Kung may dapat man ikatakot iyon ay ang matakot sa sariling multo. Sa sarili mo rin nanggaling pero nakakatakot. Dapat harapin at subukan sa sarili. Nang hindi matulad sa iba... hindi tulad nila... silang mga anak ng tiyanak.

Monday, September 6, 2010
Pila Ng Tubig
May kataasan na ang haring araw ay nasa pilahan pa rin si Anette. Pawisan at pagod, nakatayo siya at nagbabantay maigi sa pilahan na halos tatlong oras na nyang hinihintay. Hindi alintana ang ingay ng lansangan. Mga batang naglalaro, mga sasakyang busina at maingay na harurot, mga vendor sa gilid at syempre ang blockbuster sa lahat, ang kayhabang pilahan ng tubig kung saan naroon sya. Magkahalong kaba at pagmamadali at panghihinayang sa sarili na baka hindi na naman siya makapasok sa klase dahil lamang dito. "Pagdating sa bahay, sigurado pagagalitan ako ng Tiya..." Iyan ang laman ng isip nya habang halos matulala kung ano ba ang dapat nyang idahilan. Anim na taon siya ng iwan ng ina sa kanyang Tiya Rona upang mamasukang Domestic Helper sa Hongkong. Iniwan na sila ng kanyang ama simula pa lamang nang siya'y isilang, kaya nagdesisyon ang ina'ng mag-abroad at iwan sya sa pinsan nito. Buwan-buwan naman nagpapadala ang kanyang ina, at walang palya. Nakapag-aral naman siya simula Kinder at ngayo'y nasa Grade 5 na. Limang taong malayo sa piling ng ina at puro sulat at cards na punung-puno ng pangungumusta at pangungulila ng ina sa anak ang kanyang tanging saksi. At ang galon, balde, maliit na container na'to na rin. Sa kanyang pagkakatanda, may apat na taon na rin syang nag-iigib. Apat na taong pagdurusa sa mundo ng maingay, maintriga, dayaan at singitan sa pila. Ang kanyang patpating katawan ay halos bumigay na, ngunit, ito rin ang dahilan kung bakit kailangan niyang maging malakas araw-araw.
"Walanghiya ka naman, pare. Wala naman singitan!" sigaw ng mamang nakapila sa bandang unahan.
"Eh, hindi naman ako naniningit ah! Kanina pa ako rito pinalitan ko lang ang lalagyan ko!" galit na sagot ng inakusahan.
Biglang nagdagdagan ang ingay at kantiyawan sa paligid na animo'y naghihimok ng isang away. "Naku, 'wag na sana pag nagkataon lalo ako malalagot..." mahinang usal ni Anette sa sulok.
Mabuti na lamang at hindi rin natuloy. 'Yun lamang lalong dumagdag ang ingay at pulos kantiyawan na para kay Anette ay isang panggugulo na naman sa kanyang isip.
Mabilis na rin namang umuusad ang pila at tatlong balde na lamang ay makakapagsalok na rin sya ng tubig. Sa wakas!
May labinglimang minuto na ang nakalipas, at balde na ni Anette ang nakasalang.
"Salamat, makakapasok na rin ako." masayang sabi nya sa sarili.
Mga ilang sandali pa at tangan-tangan na ng kanyang maliit na pangangatawan ang dalawang balde habang dahan-dahang papalayo sa pila. Iniwan niya munang saglit ang apat na galon at isang maliit na container. Ito na ang kanyang pinakamalaking pag-iigib sa buong buhay nya. May karamihan, 'pagkat kailangan daw ng Tiya ang mag-impok ng maraming tubig sa linggong ito.
Nagawa nyang ihatid na lahat ng kanyang pinag-igiban sa likod-bahay nila at ayusin ang pagkakasalansan nito. Agad siyang pumasok sa kusina at pinunasan ang kanyang basang paa. Nagmamadali ang bata papasok sa isang maliit na silid nang biglang tawagin ng Tiya na noo'y nasa sala.
"Net, tapos na ba pag-iigib mo?" tanong nito.
"Opo, inayos ko na rin po." walang gatol at masayang tugon ng bata.
"Bakit ang tagal mo?"
"Kasi po mahaba ang pila, tapos..." hindi pa man nakapagdadahilan ang bata.
"Sa susunod, Net, kapag tinanong kita ayoko ng tapos at tapos. Naiintindihan mo ba? Mabuti nga hindi na kita masyadong napapalo, eh." kunwang mabait na tono pa nito.
"Ah... opo." mahinang tugon na lamang ng bata.
"Sige na pumasok ka na, at bago ka umalis, punasan mo muna ang mesa at kunin ang mga damit sa sampayan, dali!"
Mabilis na kumilos ang bata na parang isang kidlat pagkatapos ang salitang "dali!" na kanyang Tiya. Ewan nya ba at kung may ano sa salitang iyon.
Araw-araw ay ganito lagi ang paksa. Pag-iigib ng tubig at eskuwela ay makalabang bagay sa kanyang isip. At siyempre, ang pangarap na sana dumating na ang kanyang ina. Sumpungin ang ugali ng tiya, kung minsan, para syang maamong tupa. Kung minsan naman, daig pa nya ang bagsik ng isang leon sa gubat kapag hindi nasunod ang gusto. Nasa Saudi ang asawa nya, at may dalawang anak. Isa, si Leona, ay nasa First Year High School, at si Louie o Lou kung tawagin ay nasa Fourth Year naman. Mababait sila pero parehong bahag ang mga buntot kapag nagalit na ang ina. Maraming pinagkakaabalahan ang kanyang Tiya Rona, pagpapautang ng 5-6, pagbebenta ng processed meat tulad ng tocino at longganisa, pagpapahulugan ng alahas, damit at kung anu-ano pang pabango at make-up. Simula ng iwan siya rito, ang unang itinuro nito sa kanya ay ang paglilinis ng lababo at paghuhugas ng pinagkainan hanggang sa nadagdagan na lang din ng iba pang gawaing bahay at ngayon nga ay pag-iigib ang pinakamahalaga. Sa panahon ngayon, kailangan may tubig ang bawat bahay. At siya lamang ang naatasan para punan ang gawaing ito. Isang patpatin at pagod na katawan ng isang labing-isang taong gulang na si Anette. Isang araw, sinabi ng kanyang tiya na kailangan raw niyang mag-impok para sa tuition fee ng bata patungong High School, kaya kailangan niyang bawasan ang baon ni Anette. Tutal naman daw ay may kalakihan ang binibigay sa kanyang pambaon. Para kay Anette, nangangahulugang tanging pamasahe na lamang sa pagpasok at pag-uwi ang kanyang magiging "baon" sa eskuwela. Dahil ang totoo, sapat lamang ang dating baon upang makabili ng tatlong pirasong kutsinta o maliit na tinapay, palamig at pamasahe. Magtataas na rin ang pamasahe sa tricycle sa susunod na linggo kaya sa tingin niya ay kukulangin na ang magiging pambaon nya roon pa lamang. Ngunit, walang makakapagpigil sa kanyang tiyahin kapag nagdesisyon. Ito'y isang parang utos ng palasyo na hindi dapat isawalang-bahala.
Kaya naisip ni Anette na maglakad na lamang pauwi galing eskuwela. Hindi maaaring hindi sya sumakay kapag papasok, dahil mahuhuli siya sa klase at isa pa alam na alam niyang mag-iigib siya tuwing umaga, isa pa 'yon. Masuwerte na nga at may washing machine na'ng naibili ang tiya dahil dalawang taon na ang nakakalipas ay siya ang nagbababad ng mga maruming damit tuwing Biyernes ng gabi upang malabhan nilang magpipinsan 'pag sumapit ang araw ng Sabado. Napalo pa nga siya nito, nang minsan ay nahuli ang uwi nya ng tanghali dahil noo'y schedule nya ang magkula at magbabad ng nilabhan ng kanyang tiyahin. Ngayon na marami syang pinagkakaabalahan, pinaglalaba na rin niya si Leona at Lou, depende sa kung sino ang nakaschedule. Ang tanging gawain nya sa damit ay ibabad ang mga ito tuwing Biyernes ng gabi. At si washing machine na ang bahala.
Mabilis at malalaki ang hakbang ng batang si Anette ng minsan magdadapit-hapon na. Naglalakad sa mga maliliit na eskinita ang bata upang makapag-shortcut ika nga sa paglalakad patungong bahay. Kulang na kasi ang pamasahe nya, kaya kailangan maglakad. Isa pa, kailangan nya ring magmadali at uutusan pa sya ng tiya sa palengke. "Sana may nabiling ulam na ang tiya para hindi na ako uutusan..." ani nya sa sarili habang naglalakad ng matulin at walang kibo. Nakarating din naman sya sa bahay ng pawisan at hapong-hapo. May nabili na noong pang-ulam sa gabi ang tiya kaya hindi na sya nito uutusan. Sa wakas! (ulit) Hindi na naman sya maaabala, ngunit...
"Net! mag-igib ka ro'n kulang na ang tubig." sigaw nito mula sa sala habang nakaupo sa sofa at nakaharap sa telebisyon.
"ah... opo" sagot na lamang ng bata na noo'y mabilis tinungo ang likod-bahay para hanapin ang maliit na timba. Kailangan nyang bilisan upang makapag-aral ng leksyon para sa pagsusulit bukas.
Tumakbo ng walang palya ang bata bitbit ang dalawang timba nang bigla nyang maalala, "Naku... saan nga pala ako kukuha ng pambayad para sa eksamin bukas. Hindi bale bibigyan naman ako ng tiya..." sa isip nya mayro'n syang konting hindi pagkasigurado sa tinuran. Alam nyang katakot-takot na katanungan na naman ang aanihin nya kapag binanggit ang tungkol sa bayarin sa eskuwela. At biglang na lamang syang nalungkot sa kakaisip ng kung ano ang mabuting ipasa-kalye sa tiyahin bukas ng umaga.
Hindi nya magawang maipikit upang magkunwaring matulog. Lubha syang nag-aalala para bukas. Tiyak hindi raw sya pagbibigyan ng tiya. Marami na kasing pagkakataon na laging huli ang pagbabayad sa pagsusulit at nauuwi pa minsan sa pananawagan ng maestra sa kung sino man ang magulang o kumukupkop sa iyo upang sila'y singilin at kausapin ng masinsinan sa kalagayan mo sa kinabibilangang pangkat. Lagi syang ipinahihiya ng tiyahin sa mga pagkakataong iyon. Kaya huwag na lang. Kahit bata pa sya alam nya naman ang kahulugan ng respeto sa sarili, kaya hinding-hindi nya hahayaan na mangyari iyon. Ngunit kailangan nya talaga ng pambayad sa pagsusulit. Nung First at Second Grading, ay may utang na syang labing-isang piso at singkwenta sentimos, samantalang, labing-tatlong piso at pitungpu't limang sentimos naman ang pangalawa. Nangangahulugang may utang pa sya sa maestra ng kabuuang dalawangpu't limang piso at dalawangpu't limang sentimos. At ngayon pangatlo, kailangan nya ng labing-limang piso para sa eksamin at karagdagang pad na sa guro lang "tanging" mabibili. Napatingin siya sulok na kinaroonan ng kama ni Leona nya. Mahimbing na itong natutulog kaya hindi nya magagawang mautangan. Nang biglang mapadpad ang paningin nya sa isang garapon na puno ng mga baryang tig-pipiso. Iyon ang mga kinita ng tiya sa pagtitinda ng yelo at doon rin sya kumukuha ng pambayad kay Aling Mimay sa pag-iigib. "Teka..." Naisip ng bata habang napalunok sa sarili at pinagana muli ang isip habang hindi kumukurap sa pagkakatitig sa maliit na garapon. "Ano kaya kung umutang muna akong sandali kay tiya mula sa garapon na'yon?" May halong alinlangan ang isip nya. Ngunit, mahalaga ang pagsusulit, kung maaari lang na hindi na sya sumakay sa pagpasok sa eskuwela at hindi na rin mag-recess ay kakayanin nyang gawin, huwag lamang pumalya sa pagsusulit. "Kukuha lang ako para sa eksamin at babayaran ko rin sa susunod ng linggo." Takot man, ay buo na ang kanyang pasya na kumuha ng pera. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinalalagyan na iyon, at luminga-linga ng bahagya upang magmasid. Bumuntong-hininga ang bata nang masiguro niyang walang nakatingin. Lahat ay natutulog na kaya imposibleng mapansin siya.
Umaga na naman. Tulad ng nakagawian, pag-iigib na naman ng tubig ang una bago pumasok sa eskuwela. Mabilis niyang nagawa ang lahat ng gawain para sa umagang iyon kaya may malaking oras siya sa paglalakad patungong eskuwelahan.
"Tiya, papasok na po ako." namumutlang paalam niya.
"O sige, pumasok ka na. Sandali, maaga pa 'di ba?"
"Ah... May eksamin po kami ngayon hanggang sa Biyernes"
"Ganon ba... o sige" tugon ng tiya habang hindi man lang mag-angat ng ulo upang mapansin ang kanyang inosenteng mukha na hindi makapagsinungaling. Ni hindi man lang naisip na siya'y tanungin tungkol sa pambayad sa eksamin.
Ayos! Hindi siya napansin. Mabilis na lumabas ang bata kasabay ng malakas na kaba sa dibdib, puno ng panghihinayang, alinlangan at takot na kakaharapin.
Dumaan ang apat na araw. Tapos na ang pagsusulit, ngunit nag-uumpisa pa lamang ang kanyang kalbaryo tungo sa pag-iipon ng pambayad sa kanyang inutang. "Hindi na siguro mapapansin ng tiya, kasi lagi siyang abala..." iyon na lamang ang tanging pampalubag-loob nya sa kanyang alalahanin. Ngunit, kahit anong tago ng isang lihim ay siyang mabubunyag pa rin. Habang isang araw pauwi ay nakita siya ng kanyang tiyahin na naglalakad palabas sa eskinita. Nakasakay ito sa tricycle kaya hindi niya napansin na dumaan paharap sa kanya. Nakataas ang kilay nito at animo'y nagbabadya ng isang malaking imbestigasyon.
"Kasi po... n-nagtitipid po ako ng pamasahe..." sagot ni Anette habang napapaurong ang dila at nangingilid ang pigil na luha sa mata.
"May pamasahe ka naman 'di ba?" mataas ang boses ng kanyang Tiya Rona sa tinurang ito.
"Nagtitipid p-po ako..." mahinang usal sabay napapikit ang bata.
"Aba... aba... at bakit mo naman ginagawa yan? Ginugutom ba kita? Eh, 'di ba may baon ka naman sa araw-araw?"
"P-pambayad po kasi..."
Tumaas ang kilay ng Tiya, at ngayon ay inabot ang mahabang sinturon ng kanyang Tiyo Mauro.
"Hindi mo ba sasabihin kung bakit...?" sarkastiko ang boses ni Rona habang hawak ang sinturon animo'y handang sundalo.
Pinagpapawisan ng malamig si Anette. Urong ang dila ng bata. Sa kanyang edad mababakas sa mata ang pagod at pangamba na dapat ay hindi niya pinagkakaabalahan pang isipin. Ngunit sadyang may mabuti siyang puso na hindi kayang magkunwari.
"Tiya... pasensya na po kayo..." mahina ang boses ng bata at kinakabhan.
"Kumuha po ako ng perang pambayad sa test doon sa garapon para sa tubig... kasi po..."
Hindi pa man din natatapos ang paliwanag ay agad na dumapo na sa kanyang pigi ang masakit na sinturon ng tiyuhin.
"Huwag kang iiyak!", sigaw ni Rona. "Alam mo ba ang tawag sa ginawa mo?! Nagnakaw ka? Iyan ang pinaka-ayaw ko sa lahat!" At sige lang sa paghagupit ng sinturon ang tiyahin habang walang kalaban-laban ang payat na pangangatawan ng bata. Umiiyak ito kahit ba sinabi ng tiyahin na bawal. Naiiyak siya sa sobrang pait na nararanasan niya. Ngunit ang hagupit ay patuloy lang at animo'y hindi yata magpapalya. Nasasaktan na siya. Kaya...
"Tama na po... Tama na!" sumigaw si Anette at sabay sinalo ng kanyang kamay ang pagtama ng sinturon sa kanyang murang katawan.
"At lumalaban ka na sa akin?! Ha?!" galit naman si Rona sa tinuran ng bata.
"Tama na po! Hindi ko na kaya ang ginagawa nyo sa akin!" himutok ng bata habang patuloy sa pag-iyak. Ang mga batang naglalaro sa harap ng bahay nila ay agad sumilip sa kanilang bintana upang saksihan ang matapang na pananalita ni Anette. Mula sa kusina ay lumabas si Leona at naaawa man ay hindi niya kayang ipagtanggol ito sa ina.
"Kailangan ko po ng pera para sa eksamin namin, pero alam ko po na kagagalitan niyo lamang ako at papahiyain kaya hindi ko na lamang sinabi sa inyo! Hindi ko po ninakaw ang pera para sa pag-iigib! Hindi po ako magnanakaw! Hindi po ako kumukuha ng hindi sa akin! Hindi po ako tulad n'yo tiya!" may diin sa huling sinabi niya, ngunit ni walang panghihinayang na mababakas kay Anette. Nagpasya na siya. Ang kanyang huling nabanggit ay lalo lamang nagpaigting sa galit ng tiyahin, kaya wala pa man din ay bigla siya nitong sinampal ng ubod-lakas, na siya namang ikinasadlak sa sofa. Hindi pa man din nakakatayo ang bata ay hahagupitin naman siya ng sinturon nito. Sa awa, biglang napatakbo si Leona at agad niyakap ang ina upang hindi na ituloy ang pagmamalupit nito. Si Anette naman, ay mabilis na bumangon sa sofa, sa kabila ng masakit na katawan ay nagawa pa ring maabot ang pinto. Habang si Leona ay pinipigil ang ina...
"Tumakbo ka na, Net! Sige na," tulong ni Leona habang nagpupumiglas ang ina.
"Sige, lumayas ka! Tingnan natin... babalik ka rin dito!" nagsusumigaw si Rona, habang ang mga kapit-bahay at ibang mga usisero't usisera ay halos nasa harap na ng bahay nila at matamang sinasaksihan ang eksenang iyon.
"Sorry po, Tiya..., Ate Leona..." umiiyak si Anette, ayaw man niyang umalis, ngunit sa sandaling iyon ay awang-awa na siya sa sarili at kahihiyang sinapit. Kaya wala man din siyang mapuntahan ay kumaripas ng takbo ang bata papalayo sa lugar na iyon.
Sa may ilalim ng tulay, sa tabing ilog, naroon si Anette. Wala pa ring tigil ang iyak niya. Pagkatapos ng lahat na sinabi sa tiya, tiyak na hinding-hindi siya no'n patatawarin. Nagsisisi siya kung bakit nagpadalus-dalos sa pagsasalita. Hindi na siya babalik, iyon na ang kanyang pasya. Ngunit, paano naman si nanay? Napaluha siyang bigla nang maisip ang ina. Gulung-gulo siya sa sitwasyong iyon na kung tutuusin ay nagmula lamang sa maliit na bagay. Naalala niya ang masasayang sandali nila ng kanyang ina noong siya'y maliit pa. Naalala niya ang mga magagandang hayop na nakita niya sa Zoo, noong siya'y pinasyal nito. Naalala niya ang haplos ng ina at boses nitong kaylambing. Naalala niya ang maraming pangarap ng ina kapag nakapag-ipon na raw ito ng sapat ng pera para sa kinabukasan niya at nilang mag-ina. Naalala niya ang ice cream na binili ng kanyang ina upang patahanin lamang siya. Dahil doon, ay naisip ni Anette na huminto sa pag-iyak. Nag-isip siya nang nag-isip. Ipinikit ang mata. Sa kanyang pagmulat, ay napatingin siya sa maruming tubig ng ilog. Agad niyang napagtanto na ang maruming tubig na iyon ay sadyang walang pinagkaiba sa tubig na kanyang iniigib.
Kinabukasan, ay may mahabang pila sa pasilyo sa may tabing-ilog. Pila ng mga taong nakiki-usyoso at nag-aabang sa mga rescuers. Mga batang iba't iba ang edad. Mga taong iba't iba ang reaksyon. Ang iba'y halos panghinaan ng loob at maawa sa masaklap ng balitang dala ng umagang iyon. Isang bata diumano ang tumalon sa ilog.

Monday, August 9, 2010
Mahal
Malayo man ako ay nandyan ka pa rin,
gumagabay, inaaruga, at minamahal mo ako
higit pa sa dati.
Hindi ka nagbago at patuloy rin ang pagsinta,
maging sa kalabisan, ako'y iyong inaalala.
Tinuruan mo ako.
Tinulungan. Hinubog.
Ang aking diwang-sablay iyong sinubok.
Kinilala mo ako.
Tulad ng ibig mong mangyari
na ako ma'y kilalanin ng marami.
At dahil doon, ako'y kanilang pinuri.
Ginawang reyna man o hari;
Sa kanilang pangarap ako'y naging inspirasyon
at inambisyon.
Maraming nangahas na ako'y talunin, apihin...
ngunit ikaw ang sumipil at naghimok na sila'y
kalabanin.
Ginawa mo akong matapang at magaling.
At isang simbolo na dapat mithiin.
Mahal na mahal kita... at gayon ka rin sa akin.
Tulad ng sa puso, na sana sa iyong isip,
Gintong karunungan..! ako'y iyong ibigin.

Friday, August 6, 2010
Silang Mga Dakila
Tunay kang dakila sa lahat ng nilalang,
ipinagmamalaki at animo'y huwaran.
Sa kahit saan man ika'y ginagalang
tulad ng isang taong kapita-pitagan.
Ay ano pa nga ba ang sanhi?
na upang tayo ay magbunyi
marapat lamang na siya'y sambahin
kung ang tugon ng puso'y dapat gawin.
Masisisi mo ba ako, sa aking biglaang pagkalito...?
Maaari nga... kung kaya't naparirito;
Hangad ang layunin at tunay na nag-aabang,
sa iyong mga ngiti at pusong ayaw magpalamang;
Ikaw nama'y nagkusa at ako'y natuto,
sa iyong salita't ako'y napasunod
ika'y tumayo at pinanindigan ito,
dakilang hangarin... huwag paaanod.

Wednesday, August 4, 2010
Panimula
Ang mundo ay sadyang matalino
at malikhaing makata
tulad ng daloy ng tubig sa batis
na halos hindi maubos
kahit ni isang kurap, hindi malilipol.
Tulad ng iba... ito ay may buhay,
hininga, pawis at puso.
At kapaitan sa sinumang
magnasang umabuso.
Siya'y walang pinagkaiba
sa huni ng mga ibon.
Walang pinagkiba sa isang binatang
may mabuting hangaring
umibig at lumigaya
sa piling ng isang dalaga.
Ikaw, ako at siya ay magkatulad.
Isang lahi. Isang pananaw.
Isang lupa.
At isang palad na pangarap.
at malikhaing makata
tulad ng daloy ng tubig sa batis
na halos hindi maubos
kahit ni isang kurap, hindi malilipol.
Tulad ng iba... ito ay may buhay,
hininga, pawis at puso.
At kapaitan sa sinumang
magnasang umabuso.
Siya'y walang pinagkaiba
sa huni ng mga ibon.
Walang pinagkiba sa isang binatang
may mabuting hangaring
umibig at lumigaya
sa piling ng isang dalaga.
Ikaw, ako at siya ay magkatulad.
Isang lahi. Isang pananaw.
Isang lupa.
At isang palad na pangarap.
Subscribe to:
Posts (Atom)